Bagama’t maalat ang simula ni top junior netter Alex Eala sa Paris, nakapagtala ito ng impresibong panalo.
Mula sa pagkakabaon sa 0-4 sa first set, humabol si Eala. Nasilat nito si Hungarian netter Natalia Szabanin, 6-4, 6-1 sa French Open Juniors Championship.
Si Eala, seeded No. 2 sa Grand Slam event ay malamya sa simula. Marami rin siyang naitalang errors .Nagmintis din siya sa first two serves. Kaya, dismayado si Alex sa mga serye na sumasablay ang palo niya.
Gayunman, sinikap makaungos ni Eala. Gamit ang lakas ng pagpalo at magandang ritmo, nasilat nito si Szabanin.
Naantala pa ng halos isang oras ang laro dahil sa sama ng panahon. Dahil sa panalo, advance na si Eala sa second round.Makatatapat nito si German Mara Guth na tumalo tumalo kay Sarah Iliev ng France, 6-4,6-3.
More Stories
Pinay Lawyer, Pasok sa Top 200 World Rankings sa Padel
Mayor Dante Esteban Cup 2025… SEALIONS PAPASIKLAB SA CALINTAAN, MINDORO OCC.
Mandaluyong Invitational tourney… ‘MIGHTY 9’ NG GSF RAVEN TANAY SIKARAN