Naghain si Sen. Risa Hontiveros ng isang resolusyon na pinadedeklara ang Hulyo 12 bilang “National West Philippine Sea Victory Day.”
Ito ay bilang selebrasyon sa tagumpay ng Pilipinas sa The Hague noong 2016 at bilang pagbibigay-pugay sa pagsisikap ng administrasyon ni Aquino na matiyak ang landmark legal victory na ito.e
Nakasaad sa Senate Resolution No. 762 na inihain ni Hontiveros na si PNoy ang namuno sa gobyerno ng Pilipinas sa paghahain ng arbitration case upang maitaguyod ang ating soberanya sa West Philippine Sea (WPS).
“It is essential that the spirit of the country’s landmark legal victory in The Hague be kept alive in the hearts of our people through a special day of remembrance,” saad niya.
“Ito din ay para hindi natin malimutang magbigay pugay kay PNoy, na siyang naging daan para tunay na tumindig sa Tsina,” dagdag nito.
Diin ni Hontiveros, dahil sa tagumpay natin sa The Hague, ay buo ang loob ng international community na kumampi sa Pilipinas sa bawat pagmamalabis ng Tsina.
Idinetalye rin sa resolusyon na ang WPS ay maaaring maglaman ng hanggang sa 55.1 trilyong cubic feet ng natural gas at 5.4 bilyong bariles ng langis na mapagkukunan ng enerhiya ng bansa at pakikinabang ng mamamayang Pilipino sa susunod na tatlong henerasyon.
Idinagdag ni Hontiveros na ang pagkakaroon ng isang araw upang alalahanin at ipagdiwang ang tagumpay na ito ay isang paraan din upang mapaglabanan ang maling impormasyon na sadyang minamaliit ang ating tagumpay noong 2016.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD