Inaasahang diringgin na ng bagong judge sa susunod na buwan ang nalalabing drug case laban kay dating Senador Leila de Lima.
Ang kaso ay hahawakan na ni Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204 Judge Abraham Joseph Alcantara simula Hulyo 7 kasunod ng isinagawang raffle, ayon sa kautusan na inilabas nitong Hunyo 29.
Si Alcantara ang judge na nag-acquit kay De Lima sa drug case na sangkot sina dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos at dating driver-bodyguard Ronnie Dayan, dahil sa ‘reasonable doubt.’
Sa testimonya ni Ragos, sinabi niya na siya at ang aide na si Jovencio Ablen Jr. ay naghatid ng P5 milyon halaga mula sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison patungo sa bahay ni De Lima sa Paranaque City noong 2012.
Noong Mayo 2022, binawi ni Ragos ang naturang testimonya laban kay De Lima.
“Hence, this Court is constrained to consider the subsequent retraction of witness Ragos. Ultimately, the retraction created reasonable doubt which warrants the acquittal of both accused,” sinabi ni Alcantara sa desisyong inilabas noong Mayo.
Ang isa pang drug case laban sa dating senador ay ibinasura rin noong Pebrero 2021.
Isinagawa ang re-raffle sa kaso makaraang bitawan ni Branch 256 Judge Romeo Buenaventura ang paglilitis sa naturang kaso noong Hunyo 15 dahil sa alegasyon na hindi umano niya sinabi na ang kanyang kapatid ang nagsilbing abugado ni dating Oriental Mindoro lawmaker Reynaldo Umali. Si Umali ang nanguna sa congressional inquiry noong 2016 sa isyu ni De Lima.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO