CAMP CAPINPIN, RIZAL– Nagkamit ng panibagong tagumpay ang Provincial Task Force to End the Local Communist Armed Conflict of Cavite sa kanilang pinaigting na kampanya upang hikayatin ang mas maraming miyembro ng CPP-NPA-NDF at kanilang mga supporter na sumuko sa gobyerno.
Ito’y matapos bawiin ng apat na militante ang kanilang suporta sa CPP-NPA-NDF sa Maragondon, Cavite.
Pinangasiwaan ng Barangay TF ELCAC ng Sta. Mercedez sa pangunguna ni Hon. Leonilo Otara Jr. sa tulong ng 2nd Civil-Military Operations Battalion ang pagbawi ng suporta at membership ng tatlong miyembro ng ANAKBAYAN-Cavite at isang naman sa PAMALAKAYA-Cavite. Dalawa sa nasabing personalidad sa ANAKBAYAN-Cavite ay public information officers habang ang isa ay bahagi ng kanilang propaganda committee.
“We are grateful for the increasing support of our communities and those members who decided to abandon their left-leaning organizations. We invite other members of these groups to denounce the CPP/NPA/NDF’s long history of deceit and show allegiance to the government. Together, we will help bring long-term peace and development in the region,” sabi ni 2ID Commander Maj. Gen. Roberto S. Capulong sa isang pahayag.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD