November 28, 2024

BODEGA NG PEKENG HYPEX WIRE SA VALENZUELA SINALAKAY

Matapos makatanggap ng reklamo mula sa kompanyang Hypertech o Hypex, ni-raid ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Intellectual Property Rights (NBI-IPR) kasama si Ex-O Ugto Ignacio ang isang bodega sa Brgy. Karuhatan, Valenzuela City.

Sinalakay ang nasabing bodega na pagmamay-ari ni Chen Qi Chang at matatagpuan sa Arca North Compound, No 24 Cayetano St., sa nasabing lugar,  matapos isumbong ng Hypex na ginagawang imbakan ng pineke nilang produkto partikular na ang wire para ibenta sa merkado.



Base sa bitbit na search warrant, matatagpuan sa nasabing bodega ang mga sumusunod:

  • Pekeng wire tulad ng THHN/THWN stranded wire, hyper flat cord, non-metallic (NM) na may tatak na Hypertech o Hypex.
  • Mga box o packaging na may tatak din ng Hypertech o Hypex, sales invoices, delivery receipts, official receipts, purchase orders, shipping documents at iba pang dokumento na ginagamit sa recording  sa pagdi-distribute at pagbebenta ng nasabing pekeng produkto.
  • Mga computer at delivery vehicles.

Mahaharap naman ang mga may-ari ng bodega sa kasong trademark infringement.