November 5, 2024

REKOGNISYONG INTERNASYUNAL INAANI NA NG GLOBAL SIKARAN PH MARTIAL ARTS

Si GSF Hari GM Osias Catolos Banaag sa okasyon ng USA Hall of Fame kamakailan kasama si Hollywood actor GrandMaster Art Camacho.

PATULOY ang paglawig sa pandaigdigan na eksena ng  isang larangan at pederasyong tunay na Pinoy – ang  Global Sikaran Federation (GSF) na itinatag ng isang magiting na Pilipino marial artist para sa kababayan sa buong mundo.

Kinilala kamakailan ng prestihiyosong Asian Traditional Sports and Games Association(ATSGA) ang adbokasiya mundiyal at naaprubahan na rin bilang  Active International Member ang  Global Sikaran Federation para sa  taong 2022 onward.

Ang Certificate of Recognition ay iginawad kay GSF founder/president Hari Grand Master Osias Catolos Banaag na may lagda ni ATSGA president  Master B K Bharat nitong Nobyembre 5,2022.

“Tuluy-tuloy na ang pag-ani ng rekognisyon sa mundo ng itinatag nating  original Philippine Martial Art na Sikaran sa pamamagitan ng ating pinamumunuang Global Sikaran Federation kung saan ang ating satellite office ay dito sa California, USA at sa pinag-ugatang punla sa Tanay,Rizal sa Pilipinas.Lalo pang lumalawak ang  naabot na saklaw ng ating Pinoy pride  na Sikaran globally at di tayo dito nagtatapos dahil abot-kamay na tayo sa ating tagumpay na layunin,” pahayag ni GM Banaag.

Nauna dito ay ang  pagkilala sa Sikaran ng UNESCO bilang tunay na traditional sport sa mundo  maging  ng paghanga sa larangan ng ibang sport tulad sa NBA,ang camaraderie na naitimo ni GM Banaag sa martial arts global community at respetong inaani niya sa mga MMA fighters celebrities at sikat  Holliwood movie fight choreographers na lalong nagpaangat sa popularidad ng Sikarang tunay na Pinoy.

“Wish ko ay ipagkaloob na rin sa atin ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission ang kaukulang rekognisyon sa ating tradisyunal na sport na Sikaran bilang tunay na NSA na ating pinagsikapang itatag at makilala globally, tayo lang at wala ng iba pa,” diin ni GM Banaag.