Suspendido pa rin ang tradisyonal na Traslacion para sa selebrasyon ng pista ng Poong Itim na Nazareno sa Enero 9, 2023.
Ayon Social Communications ng Quiapo Church – bagama’t tuloy-tuloy ang ginagawa nilang paghahanda para sa selebrasyon ay sigurado naman na hindi pa rin magsasagawa ang simbahan ng tradisyonal na traslasyon.
Ang traslacion ay ang prusisyon na maghahatid sa imahe ng Poong Itim na Nazareno pabalik sa tahanan nito sa Quiapo church.
Paalala ng simbahan ng Quiapo, patuloy pa rin ang koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa preparasyon sa nasabing pista.
Kayat dapat anilang mag antabay ang mga deboto sa kanilang anunsyo para sa mga aktibidad na ilalatag hinggil dito.
Nanatiling layunin anila na maipagdiwang ang pista ng Poong Itim na Nazareno nang maayos, at ligtas ang bawat isa.
Kaya bagama’t tuloy ang selebrasyon sa susunod na taon, ay kanselado pa rin ang taunang Traslacion.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA