December 25, 2024

“ZULUETA, SUMUKO KA NA” – ABALOS (Bata ni Bantag nagtatago)

Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na nagtatago na si BuCor Directorate for Security and Operations Supt. Ricardo Zulueta matapos masampahan ng reklamo  hinggil sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid at middleman na si Jun Villamor.

Sa joint press conference sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Dir. Medardo de Lemos na gumagawa na ng paraan ang kanilang ahensiya para matunton si Zulueta habang minomonitor nila si dating Bucor Dir. Gen. Gerald Bantag lalo na’t wala pa naman inilalabas na arrest warrant laban sa kaniya.

Sinabi naman ni DOJ Sec. Boying Remulla na naglabas na sila ng lookout bulletin para mahanap ang dating opisyal ng BuCor na lumalabas na isa sa malapit na tauhan ni Bantag.

Kaugnay nito, nanawagan si Remulla gayundin si DILG Benhur Abalos kay Zulueta na sumuko na at harapin ang reklamo.

Matatandaan na lumalabas sa Joint imbestigasyon ng NBI at PNP na ipinag-utos nina dating BuCor chief Gerald Bantag at Senior Supt. Ricardo Zulueta ang pagpatay kina Percy Lapid dahil sa mga banat nito at middleman na si Jun Villamor upang hindi na magsalita at manahimik na.

Maging ang ilang mga commamder o PDLs na miyembro ng Batang City Jail, Happy Go Lucky at Sptunik Gang na nagsiwalat ng katotohanan ay binabantayan na rin ng DOJ upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

Nagpapasalamat naman sina Abalos at Remulla sa NBI at PNP dahil sa mabilis na resulta sa kaso ni Lapid at Villamor.