Ang suspendidong si Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag at BuCor Directorate for Security and Operations Supt. Ricardo Zulueta, ang utak sa planong pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid at ‘middleman’ sa krimen na si Jun Villamor.
Kasabay nito ang pagsasampa ng kasong murder laban kay Bantag at sa Deputy Security Officer ng BuCor bilang principal by inducement. Kasama rin sa kinasuhan ang mga sinasabing gang leader sa Bilibid.
Bukod kay Bantag, sinampahan rin ng murder si BuCor Deputy Security Officer SJO2 Ricardo Zulueta, ang mga gang leaders na sina Denver Mayores; Alvin Labra, Batang City Jail; Aldrin Galicia, Sputnik Gang; at Alfie Penaredonda, ng Happy Go Lucky gang.
Para naman sa pagkamatay ni Villamor, kinasuhan rin sina Bantag, Zulueta, Labra, Galicia, isang Mario Alvarez, Joseph Georfo, Ricky Salgado, Christian Ramac, Ronnie dela Cruz, at Joel Reyes.
“It was found that through the investigation that both Director General Gerald Bantag and DSO Ricardo Zulueta were behind the killing of both Percy Lapid and Jun Villamor,” ayon sa ulat ng DOJ.
Pinakamalaki umanong development sa kaso ang paglantad ng kapatid na babae ni Villamor na nakausap nang napaslang na inmate bago ito mamatay at nag-iwan ng ikinukunsidera na “dying statement”.
“Te ingatan mo itong sasabihin ko, ilabas mo lang ito pag namatay ako dito. Kailangan walang makaalam nito hanggat buhay pa ako. Pag nawala ako iparating mo kina Joel na ang utos nanggaling sa kumander ng Sputnik, Happy Go lucky, at BCJ. Galing ang utos sa opisina at inutos nina Kumander Aldin, Kumander labra at kumander Alfie,” ang pahayag umano ni Villamor sa kaniyang kapatid.
Ayon kay Remulla ang pagsasampa ng kaso ay ibinase nila sa kabuuan ng mga nakalap nilang mga ebidensya, testimonya at ‘circumstances” ng mga pangyayari.
“A case has been filed with the prosecutors and from then we will proceed with the case proper and hopefully this issue will be laid to rest the way it should be,” saad ni Remulla.
Dahil dito, ang lahat ng akusado maging si Bantag ay isinailalim na sa “look-out order” at hahainan sila ng “subpoena”.
Tiniyak ng kalihim na bibigyan ng pagkakataon si Bantag na maipagtanggol ang sarili sa korte.
Ipadadala ang subpoena kay Bantag sa opisina niya sa BuCor at sa nakatalang address niya sa Caloocan City habang nabatid na posibleng nagtatago na umano si Zulueta.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE