PUMANAW na ang dating child pop singer na si Aaron Carter na kapatid ng ’90s boy band na Backstreet Boys member na si Nick Carter.
Ayon sa Los Angeles Sheriff’s Department, natagpuang patay si Carter sa kanyang bahay sa Lancaster, California nitong Sabado ng hapon.
Wala pang ibang detalyeng inilalabas ang mga awtoridad pero wala umano silang nakikitang foul play sa insidente.
Patuloy ang imbestigasyon upang malaman ang sanhi ng pagkamatay ni Carter.
Noong 1990s unang sumikat si Carter bilang child pop singer. Pinasikat niya ang mga kantang “Aaron’s Party (Come Get It)”, at “Oh Aaron.”
Unti-unting nawala si Carter sa limelight nang magka-edad ngunit nanatili rin sa mata ng publiko.
Lumabas siya sa ilang broadway shows gaya ng “Seussical” at “The Fantasticks.”
Bukas din sa publiko ang pakikipaglaban ni Carter sa addiction.
Taong 2019 nang lumabas siya sa isang celebrity wellness TV show kung saan sinabi niya, habang hawak ang mga prescription drug, na na-diagnose siya ng multiple personality disorder, schizophrenia, manic depression at anxiety. Ilang beses din napabalita ang paglabas-masok niya sa rehab. Pinakahuli nito lamang taon para umano sa kustodiya ng kanyang anak na si Prince.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY