MAGLALAAN ang administrasyong Marcos ng P206.5 bilyon bilang subsidiya o ayuda sa ilalim ng panukalang 2023 national budget.
Inilabas ng Palasyo ang pahayag sa gitna ng patuloy na pagtaas na bilihin dulot ng global inflation.
Ang halaga ay pinaghalong cash transfer at iba pang subsidy program na ipatutupad ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.
Pinakamarami rito ay manggagaling sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa halagang 165.40 bilyon.
Higit P22 bilyon naman ang gagamitin sa implementasyon ng Medical Assistance to Indigent and Financially – Incapacitated Patients (MAIFIP) ng Department of Health (DOH).
Ang TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay pinondohan ng P14.9 bilyon sa susunod na taon, habang P 2.5 bilyon naman ay ipapamahagi ng Department of Transportation (DOTr) para sa fuel subsidies ng sektor ng transportasyon.
May hiwalay na P1 bilyon naman ang Department of Agriculture (DA) para sa fuel assistance sa mga magsasaka at mangingisda. Ang iba pang alokasyon sa 2023 National Expenditure Program ay ang P115.6 bilyon para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps); P25.3 bilyon para sa Social Pension for Indigent Senior Citizens (SPISC); P19.9 bilyon para sa Protective Services for Individuals and Families in Difficult Circumstances (PSIFDC); at P4.4 bilyon para sa Sustainable Livelihood Program (SLP).
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA