OPTIMISTIKO si Bicol Spicy Oragons coach Monel Kallos na ang nagbabalik na koponan sa Pilipinas Super League ay kumpleto rekado na pinaanghang pa ng determinasyon ng kumbinasyong bagito at beteranong mandirigma sa handcourt
“We’re ready. The Bicol Spicy Oragons will hit the ground hot once the new PSL kicks off”, wika ni Kallos sa panayam.
Asam ni Tabaco,Albay pride coach Kallos na ang sasambulat na Winzir PSL ( Pro) Second Conference ay ang hinihintay niyang pagkakataon na maiambang ang titulo sa kanyang kababayan sa Kabikulan.
“WE will bring PSL Games to Bicol in the first week of December to bring the game closer to the people kung saan ay inaprubahan na ito ni PSL president Rocky Chan ,vice Ray Alao at PSL head of basketball operation Leo Isaac. Madami na tayong mga kababayang nag-aabang doon.”ayon pa sa premyadong coach.
Kumpiyansa si Kallos na magpe-perform ng husto ang Oragons ayon sa ekspektasyon.
” Malaki ang tiwala namin ng coaching staff ko sa mga pambato natin.”
Ang Bicol Spicy Oragons ay pinamumunuan ni team manager Tony Oanes, head coach Kallos at assistant coaches na sina Cesar Babasa at Rommel Banaga. Sinabi naman ni PSL top brass Chan na bukod sa presentor na Winzir,ang liga ay itinataguyod din ng La Filipina Corned Pork and Luncheon Meat,Amigo Segurado Pasta and Sauce,Wilson,Wcube Solution,Inc,Adcon at Hotel Sogo.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE