SUSULONG na ang buwenamanong handog ng Philippine Chess League FIDE rated at non-rated rapid chess tournament sa Robinson’s Townville Buhay na Tubig sa Imus, Cavite.
Sinabi ni PCL President NA Cesar Calopez na ang kauna-unahang over-the-board na tunggalian na handong ng PCL ay inaasahang kikilatis sa kakayahan ng members at non-members matapos ang mga puro on-line chess na taktakan – utak dahil sa pandemya.
“We the PCL Quezon City Chapter decided to explore the activity outside National Capital Region”, wika ni NA Dioniver Medrano.
Premyong salapi ang nakataya sa top 5 ng torneong may basbas ng FIDE at ng National Chess Federation ng the Philippines (NCFP)
May laan ding premyo sa mga category winners ng top senior 55 and above, top female top PWD, top elementary, top high school at top college.
Ang iba pang event officials ay sina NA Boyet Tardecilla, NA Ferdinand Reyes, NA Francis Ramos, NA Albert Dacallos, NA Joel Anthony Hicap at CA Ruben Cuevas, Lahat sila ay lisensyadong arbiters ng PACC
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY