November 20, 2024

CLAIMANT NG P900-K KUSH MULA USA, ARESTADO SA PARAÑAQUE

NASABAT ng mga awtoridad ang high grade marijuana o ‘kush’ na nagkakahalaga ng P925,000 mula sa isang lalaki na claimant sa isang controlled delivery operation sa Parañaque City ngayong araw.

Kinilala ang umano’y receiver ng kontrabando na si Kristoffer Angelo A. Delgado, 25 residente ng 113 Doña Soledad Ave., Better Living Subd., Don Bosco ng naturang siyudad.

Ayon sa Bureau of Customs, nasa 588 gramo ng kush ang nasamsam na nakalagay sa 45 na piraso ng vape cartridge.

Nakalagay ang kontrabando sa isang shipment na may marking “sweater gifts.

Dumating sa bansa ang kargamento noong Oktubre 28 at nanggaling sa Culver City, California sa Amerika.

Sumailalim sa physical ecxamination ang kargamento matapos makita sa x-ray na may kahina-hinalang bagay.

Agad nagpalabas ng warrant of seizure si District Collector Alexandra Lumontad at nagsagawa ng controlled delivery operation.

Sa naturang operasyon, naaresto ang isaang 25 anyos na lalaki na nakatira sa Don Posco, Parañaque City na claimant ng kargamento.

Tiniyak naman ni BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz na patuloy ang mahigpit na pagbabantay sa mga kargamento na pumapasok sa bansa para hindi malusutan ng mga kontrabando.