November 19, 2024

Clarkson-less man sa FIBA Asian W5… COCOLIFE AMB. RAVENA AT IBA PANG GILAS MAS MAANGAS!

BINIGYANG-DIIN ni Gilas pointguard Kiefer Ravena ng Cocolife na isang oportunidad para sa mga manlalaro ng Gilas Pilipinas na magpasiklab sa fifth window ng FIBA World Cup 2023 Asian Qualifiers nang wala sa koponan si NBA star Jordan Clarkson.

Sina Kiefer at kapatid niyang si Thirdy Ravena ay lumahok na sa ensayo ng national team isang araw pagdating nila mula sa kanilang stint sa Japan B- League  upang paghandaan ang kanilang pagsabak sa fifth window game kontra Jordan sa Nobyembre 10 at Saudi Arabia sa Nobyembre 13.

Ang Shiga Lakes (B-League) team captain at brand ambassador ng Cocolife na si Kiefer katuwang din sina  Dwight Ramos ,Bobby Ray Parks at iba pa ay  gigiyahan ang pambansang koponang Gilas Pilipinas ng wala ang fourth window leading scorer na si Clarkson.

“It’s an opportunity for everybody to step up. It’s hard to fill  JC’s number if you’ll need one player. We need a next- man -up mentality as the clitche goes. We need to grab this opportunity given to us,” pahayag ng sports ambassador na suportado nina Cocolife Pres. Atty Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at  Franz Joie Araque.

Nasa 20-man list  ng Gilas Pilipinas sina Japeth Aguilar, Poy Erram, Jamie Malonzo, Lebron Lopez, Chris Newsome, Calvin Oftana, C J Perez, Roger Pogoy, Kevin Quiambao, Carl Tamayo, Arvin Tolentino, Kai Sotto, Scottie Thompson at naturalized Ange Kuoame habang nagpapagaling naman ng throat injury si June Mar Fajardo.