SISIMULAN ng FINIS Philippines ang inorganisang National Long Course Swim Competition Series sa pagtatanghal ng Visayas leg ngayong weekend (Nov.5-6) sa Iloilo Sports Complex Swimming pool sa La Paz, Iloilo City.
Sinabi ni FINIS Managing Director Vince Garcia na mahigit 200 manlalangoy mula sa 25 na koponan at club ang nakumpirmang lalahok sa torneo na magsisilbing panghuling programa at aktibidad ng FINIS ngayong taon.
“Kami ay masaya na sa kabila ng napakalaking epekto ng bagyong ‘Paeng’ sa rehiyon, isang malaking bilang ng mga koponan ang nagkumpirma ng kanilang pakikilahok. Yung resiliency nila is very commendable and we in FINIS is doing our best to provide them an internationally-like competition environment,” ani Garcia.
Sinabi ni Garcia na ang mga swim clubs nakabase sa Bacolod tulad ng John B. Lacson Swim Team, Megakraken, Aklan, Iloilo Tigershark at Capiz Turboshark ay nagpadala ng malaking delegasyon sa pag-asang makasungkit ng mga slot para sa National Finals sa Disyembre.
Ang iba pang mga koponan na nakatanggap ng Meet Info kits at entry forms ang Binarayan Tadpole Swimming Club, Bohol Splashers, Buddy Swim Team, Capiz Eaglerays, Capiz Turbo Shark, Iloilo Starfish, Iloilo Tiger Shark, JBLFMU Dolphin, Salabite Swim Sting, Silay Orca, Sta Fe Crocs at Unibersidad ng San Carlos.
Ang pambansang atleta at isa sa mga ambassador ng FINIS na si Kyla Soquillon ng Malay, Aklan ay inaasahang pangungunahan ang mga kalahok na target ang slots sa National Finals at ang pagkakataong makasali sa FINIS high-profile line-up ng mga brand ambassador.
“Ito ay off shoot sa nginawa naming short course series kaya inaasahan namin ang pinakamahusay sa Visayas na sasabak upang makabuo ng isang kompetitibong koponan para sa National Finals,” sabi ni Garcia.
Ang mga mangungunang manlalangoy sa Visayas leg pati na rin sa nakatakdang Mindanao leg sa Nobyembre 12-13 sa Joaquin F. Enriquez Memorial Sports Complex Swimming Pool sa Zamboanga, at ang Luzon Leg na nakatakda sa Nobyembre 26-27 sa New Clark City Aquatic Center sa Capas ang magsasagupa para sa Pambansang diadem sa Disyembre 17-18 dito rin sa Clark.
Ipinahayag din ni Garcia ang kanyang pasasalamat sa suporta at kooperasyon ng mga lokal na coach sa pagtatapos ng FINIS-American Swimming Coaches Association (ASCA) Swim Coaching Certification Clinics nitong Oktubre 27-31 sa Acropolis, Quezon City. “Isang malaking pagpupugay sa aming ASCA Certifier Coach Chad Onken sa pagsasagawa ng mga klinika at pagbabahagi ng yaman ng kanyang mga karanasan bilang isang elite swim coach. Pasalamatan ko lahat ng sumali sa Swim Coaching Certification ng ASCA. Tiyak na mauulit natin ito next year dahil marami ang nagtatanong,” pahayag ni Garcia, isang aktibong triathlete at ‘Godfather’ sa TODO Para-athletes.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY