SAKSIHAN ang pagpapamalas ng gilas ng dalawang koponan magmula sa lalawigan ng Pampanga para sa pag-arangkada ng pambansang liga ng bayan na Winzir Pilipinas Super League (Pro) Second Conference na nakatakda sa Nobyembre 19 sa Araneta Coliseum.
Isang dosenang pawang bigating koponan ang magbabakbakan kasama na ang mga tropang Capampangan at iba pa kung saan ay magtatangka silang lahat na agawin ang titulo sa PSL maiden conference champion Davao Occidental Tigers Cocolife.
Ibabandera ni Gov. Dennis Pineda ang men’s squad nitong Pampanga Delta.
Ang Delta ay kagagaling sa kampeonato nasyunal ng PSL U21. Gayundin ay magbibigay-ningning ang pagsali sa liga ng Pampanga Big Lanterns ng mga Gonzales ang kumpirmado nang kalahok sa ligang inorganisa ni PSL president Rocky Chan katuwang sina vice president Ray Alao ,commissioner Mark Pingris, deputy Chelito Caro, basketball operation head Leo Isaac sa timon ni CEO (Mayor) Dinko Bautista.
Ang iba pang malalakas ng koponang kumpirmado ay ang Quezon City, Caloocan, Sta. Rosa, Muntinlupa, Bicol, Boracay, Nueva Ecija, Cagayan de Oro at iba pa.
“Sobrang natutuwa si Bos CEO (Dinko) Bautista sa latest development ng ating Pambansang Liga. Excited na ang mga teams sa PSL dahil sa patuloy na pag-alagwa ng popularidad ng liga ng bayan. Pawang malalakas kasi ang mga kalahok sa PSL at ang taas ng antas ng kumpetisyon. Ang daming malalaking pangalan ang kalahok.Marami pang nais na humabol pero hanggang 12 teams lang ang ideyal,” wika ni VP Alao sa panayam.
Ilan sa mga big names ay sina dating Ginebra deadshot Jayjay Helterbrand KG Canaleta, Macmac Cardona ang nababalik-aksiyon bilang pro cagers.
Pinasalamatan naman ni Chan ang mga backer ng liga bukod sa presentor na Winzir ay ayudante ang La Filipina Corned Pork and Luncheon Meat, Amigo Segurado Pasta and Sauce, Wilson, Wcube Solutions, Inc., Adcon at Hotel Sogo.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA