MAS pinalawak ng Swim League Philippines (SLP) ang programa para sa mga batang swimmers na makaranas ng kompetisyon sa abroad sa ilalargang Manila Swim Fest bukas(Nobyembre 5) sa Philippine Columbian Association (PCA) sa Plaza Dilao, Paco, Manila.
Ipinahayag ni SLP president Fred Ancheta na bukod sa medalya at premyo, gagamiting qualifying meet ang Manila Swim Fest para mapili ang mga ‘best swimmers’ na ipadadala sa kompetisyon sa Singapore at Thailand sa susunod na taon.
“Under the leadership of SLP through our founder Joan Mojdeh, we announced that the top performers in the Manila Swim Fest will be included in the team that will see action in the FINA-sanctioned tournament in Singapore, while our young and developmental team will be sending to Thailand as part of SLP grassroots development program,” pahayag ni Acheta sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) “Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Behrouz Persian Cuisine sa Sct. Tobias, Quezon City.
“With the support of Langoy Pilipinas of Darren Evangelista , Yingfa Philippines and the Manila Sports Council (MASCO), Manila Swim Fest will be the biggest in term of participation so far under the SLP program,” sambit ni Ancheta sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), Pagcor at Behrouz Persian Cuisine.
Kabuuang 500 swimmers mula sa 44 clubs at teams ang kumpirmadong sasabak sa torneo na itinataguyod din ng CNLCSCA at Solid Coaches Association at panimulang torneo para sa malawakang sports program ni Manila Mayor Honey Lacuna.
Matibay ang ugnayan ng SLP sa international swimming community, kabilang ang Dubai-based organizer ng Hamilton Aquatic Short Course sa Hamdan Sports Complex kung saan palagiang nagwawagi ng medalya ang Pinoy, kabilang ang ngayo’y Philippine junior mainstay na si Michaela Jasmine Mojdeh.
Kamakailan, muling sumabak ang 9-man SLP squad sa naturang torneo, sa pangangasiwa ni coach Bryan Estipona, at nakapaguwi ng isang silver at apat na bronze medal.
“Hindi naming ini-expect nag anito ang resulta ng kampanya namin. Overall, lahat ng swimmers natin may mga bagong personal best, yung mga medalya bonus na ng team. Kaya Malaki ang pasasalamat ko sa SLP at sa Killerwhale team sa tiwalang ibinigay sa akin at sa suporta mga parents,” sambit ni Estipona.
Nasungkit ni Charles Janda ang silver medal sa 50m backstroke, habang humirit ng dalawang bronze medals and Italian-born Pinoy na si David Morvyn Gillego (50m back at 50m butterfly) at may tig-isang bronze sina Andrae Kenzie Samontanes (200m fly) at Louis Andrei Lim (100m breast)
“Sayang po ang nagkamali ako sa turn, gold medal sana ako,” pahayag ng 14-anyos na Janda.
Ikinalugod naman ni Gillego ang desisyon ng in ana magbalik at manirahan na lamang sa Pilipinas dahil mas nagging focus siya sa swimming na natutunan niyang mahalin sa batang edad na 4.
“Blessing in disguise po yung desisyon ng Mommy ko na dito na ulikami sa Pilipinas. Mas nabigyan ko ng pansin yung training. Hopefully, makasali pa ako sa mas maraming international event,” aniya.
Kapwa naman katuparan sa kanilang pangarap ang medalyang napagwagihan nina Samontanes at Lim. Kasama ring dumalo sa programa at nagbigay ng mahalagang kaalaman hingil sa sports na Kurash ang mag-amang Roland at Alexander Llamas.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI