Binisita ng mga opisyales ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Davao at ni Chinese Ambassador Huang Xilian ang isang durian farm para pag-usapan ang mga pamamaraan upang tulungan ang industry players sa export process ng produkto at palakasin ang overall agricultural export sa China.
Bahagi ng programa ng Chinese embassy ang nasabing pag-uusap sa Belviz Durian Farm sa Calinan, Davao City upang buksan ang kanilang bansa bilang market ng Mindanao-grown fruit.
Kinausap din ni District Collector Erastus Sandino B. Austria ang mga miyembro ng Durian Industry Association of Davao.
Tiniyak ni Austria na handa ang bureau na tulungan ang mga durian grower na tanggalin ang mga teknikalidad bilang barriers upang gawing accessible worldwide ang Filipino agriculture.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY