December 25, 2024

‘PAGCOR’ MABILIS NA NAGBIGAY NG TULONG SA TYPHOON PAENG VICTIMS SA LUZON

Personal na tinanggap ni Mayor Art Mercado (ikatlo mula sa kaliwa) ng San Pedro, Laguna ang relief goods na idinonate ng PAGCOR para ipamahagi sa ating mga kababayan na apektado ng bagyong Paeng.

Matapos ang pananalasa ng Bagyong “Paeng” sa maraming lugar sa bansa, agad nakipag-ugnayan ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa mga local government units (LGUs) na labis na naapektuhan ng matinding pagbaha at pag-ulan para magbigay ng tulong.

Umabot sa 6.350 pamilya mula sa lalawigan ng Bulacan at San Pedro, Laguna ang kabilang sa initial recipient ng relief aid ng PAGCOR, na may lamang basic commodities tulad ng bigas, kape at mga delata.

Naipamahagi ng PAGCOR ang 5,350 relief packs noong Oktubre 31, 2022 sa iba’t ibang munisipalidad sa Bulacan. Prayoridad na bigyan ng tulong ang mga nasa coastal communities ng lalawigan, na labis na naapektuhan ng bagyo.

Bilang karagdagan, nakatanggap din ng relief packs ang San Pedro, Laguna mula sa state-run gaming firm noong Nobyembre 1, 2022.

Ayon kay PAGCOR Chairman and CEO Alejandro Tengco, mahigpit na nakikipagkoordinasyon ang state-run gaming agency sa mga apektadong LGUs upang mabilis na maihatid ang tulong nito.

Minomonitor na rin ng state-rin gaming agency ang improvement ng road conditions sa lahat ng pinakaapektadong mga lugar upang makapagsagawa ng mas maraming relief operations at ipagpatuloy ang misyon nito sa pagtaguyod ng bansa.

Noong Oktubre, tumulong din ang PAGCOR sa casino licensees nito at namahagi ng 17,500 relief packs na nagkakahalaga ng P9 milyon sa mga lalawigan ng Aurora, Bataan, Marikina, Nueva Ecija, Pampanga, Quezon City, Quezon Province, Tarlac at Zambales – na sinalanta ng bagyong Karding.