CAMP CAPINPIN, RIZAL – Nadiskubre ng 2nd Infantry Division ng Army ang mga labi ng isang NPA member sa Bansud, Oriental Mindoro.
Nagpapatrolya ang pinasanib na puwersa ng 76th Infantry Battalion at PNP sa Sitio Labo sa Barangay Conrazon nang madiskubre nila ang bangkay ng hihinalang NPA member.
Kinilala ng rebel returnees at pamilya ang katawan ng biktima na kanilang anak na si Romer Orosa Jr., 24-anyos, squad leader ng NPA platoon sa Mindoro sa ilalim ng Southern Tagalog Regional Party Committee.
Si Orosa ay nabibilang sa Hananuo Tribe sa Mindoro at residente ng Sitio Imperial sa Barangay Naibuan, San Jose.
Si Orosa ay na-recruit ng communist terrorist group sa edad na 9. Tuluyan na siyang naging miyembro ng NPA sa edad na 18 at kabilang sa casualties sa engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at tropa ng gobyerno noong Hulyo 2021 kung saan iniwan siya ng kanyang mga kasamahan.
Ayon sa kanyang mga magulang, gusto na sana nitong magbalik-loob sa gobyerno upang makasama ang kanyang pamilya pero pinigilan ito ng kanyang mga kasamahan.
Nagpahayag naman ng pakikiramay si 2ID Commander Maj. Gen. Roberto S. Capulong sa mga naulilang pamilya ni Orosa at hinimok ang mga nalalabing rebelde na sumuko na.
Kasalukuyang inihahanda na ang mga labi ni Orosa upang ibalik sa kanyang pamilya para mabigyan ng maayos na libing.
“We share the grief of the families and loved ones of Romer Orosa. We condemn the violation of human rights committed by the CPP-NPA-NDF in the recruitment of the youth and our indigenous people to take up arms for their arms struggle and leaving them to die for their selfish plans,” saad ni Maj. Gen. Capulong.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA