CAMP CAPINPIN, RIZAL – Binawi ng apat na miyembro ng front organization ng CPP-NPA-NDF ang kanilang suporta sa komunistang grupo sa Maragondon, Cavite.
Pinangasiwaan ng Barangay Sta. Mercedez Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa pangunguna ni Hon. Leonilo V. Otara Jr. kasama ang 2nd Civil-Military Operations Battalion ang pagbawi ng suporta at membership nina alyas Coleen, alyas Upet, alyas Sarah at alyas Grace na mga miyembro ng ANAKBAYAN Patungan.
Nagpahayag ang nasabing mga personalidad ng kanilang kahandaan upang kondenahin ang CPP-NPA-NDF at kanilang front organizations.
“The continued support and cooperation of all government sectors to the whole-of-nation approach to end insurgency have made these breakthroughs possible. We will be unceasingly working with our local government units and key stakeholders to finally defeat insurgency for inclusive peace and development in our area,” ayon kay 21D Commander Maj. Gen. Roberto S. Capulong.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna