NASAMSAM ng Bureau of Customs-Port of Clark, sa pakikipagtulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang 488 gramo ng kush o high-grade marijuana na nagkakahalaga ng P672,000.
Idineklara ang naturang kargamento na may illegal na droga bilang “prescription medicines” (dry goods), na dumating sa bansa noong Setyembre 26 mula Quebec, Canada.
Dumaan sa profiling ng Custom Examiner ang naturang kargamento para sa physical examination matapos lumabas sa x-ray scanning ang kahina-hinalang imahe.
Natagpuan ang mga pinatuyong dahon sa 21 canisters/tubes na may timbang na 448 gramo.
Nagsagwa rin ng K9 sweeping sa kargamento, kung saan nabulgar na ilegal na droga ang nasa loob nito.
Dinala ang samples ng pinatuyong dahon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa chemical laboratory analysis, na nakumpirma ang presensiya ng Tetrahydrocannabinol/Marijuana, na kinokonsidera na dangerous drug sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Naglabas ng Warrant of Seizure and Detention si District Collector Alexandra Lumontad laban sa kargamento dahil sa paglabag sa Sections 118 (g), 119 (d), and 1113 par. f, i & l (3 & 4) of R.A. No. 10863 na may kaugnayan sa Section 4 of R.A. No. 9165.
More Stories
38 LUGAR NASA RED CATEGORY – COMELEC
HUSTISYA PARA KAY PH ATHLETE MERVIN GUARTE!
4 patay sa pamamaril sa Batangas