MANANATILING full force ang Bureau of Immigration (BI) para sa pagdagsa ng mga pasahero na bibiyahe papasok at lalabas ng bansa sa mga paliparan para sa paggunita ng All Souls’ Day.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, mananating naka-heightened alert ang kanilang frontline personnel at tiniyak na mayroon silang sapat na manpower upang maibigay ang pangangalan ng traveling public sa kabila ng pananalasa ng bagyong Paeng.
“Our officers remain in full force to avoid service interruptions during this long Undas weekend. This is so our border security is not compromised amid passenger influx,” saad ni Tansingco.
Ayon pa sa opisyal, nagdagdag din sila ng mga tauhan sa mga airport at isang rapid response team sa mga lugar upang tiyakin na nasa maayos ang lahat.
Maraming pasahero ang apektado ng naturang bagyo, dahilan ng kanselasyon ng mga domestic at international flights.
“Despite the adverse weather, our immigration officers remain on duty to serve the traveling public,” saad ni Tansingco. “Many of them brave strong rains and flood just to be able to report for duty and perform our mandate,” pagbabahagi pa niya.
Kinikilala ni Tansingco ang serbisyo ng mga frontline personnel ng BI na nagseserbisyo pa rin tuwing weekend at holiday.
“We remain true to our duty as public servants and will ensure that we continue providing quality service,” pahayag ni Tansingco.
More Stories
38 LUGAR NASA RED CATEGORY – COMELEC
HUSTISYA PARA KAY PH ATHLETE MERVIN GUARTE!
4 patay sa pamamaril sa Batangas