KABILANG na sa komposisyon ng Gilas Pilipinas sa listahan ng FIBA Management Administration platform sina Cocolife Sports Ambassador Kiefer Ravena, June Mar Fajardo ng SMB, toreng si Kai Sotto, PBA MVP Scottie Thompson, naturalized Ange Kouame at Japan-based cager Dwight Ramos para sa November window ng FIBA Asia Cup Qualifying.
Nasa 20-man list ng Gilas Pilipinas pool sina Japeth Aguilar, Poy Erram, Jamie Malonzo, Lebron Lopez, Chris Newsome, Calvin Oftana, CJ Perez, Roger Pogoy, Kevin Quiambao, Carl Tamayo, Arvin Tolentino, Ray Parks at Thirdy Ravena.
Tutulak patungong Jordan ang Gilas Pilipinas sa Nobyembre 7,2022 para sa kanilang laban kontra host team sa Nobyembre 10.
Susundan ito ng isa pang window game kontra Saudi Arabia sa Nobyembre 13 sa Middle East.
Si Kiefer Ravena na naging UAAP MVP mula Ateneo, PBA superstar at nauna nang naging Gilas Pilipinas at kasalukuyang Shiba Lakes frontliner sa Japan B- Lague ay suportado nina COCOLIFE President Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE