November 5, 2024

World Boxing Champioship target ni Suarez… ABOT-KAMAY NA ANG TAGUMPAY!

HABANG lumalaon ay papalapit na sa kanyang pangarap na maging kampeon sa mundo ang isa sa ating pambato sa larangan ng boxing na si WBA Asian champion at Olympian Charly Suarez.

Pinagningning ang misyon at ambisyon ng San Isidro, Davao del Norte pride na si Suarez matapos niyang matagumpay na naidepensa ang titulo nito sa World Boxing Association(WBA) Asian Boxing tilt upang maituon na ang kanyang pokus sa susunod nilang mission possible, ang world championship katuwang ang kanyang longtime reliable buddy-buddy/coach Delfin Boholst.

Ang Business Administration Major in Marketing graduate ng Colegio de Carraga sa Mindanao  na si Suarez katuwang si Boholst ay nakatakda nang komprehensibong magpakundisyon muli dahil optimistiko ang duo na malapit nang matupad ang kanilang pangarap – a crack for the world championship sa Estados Unidos.

“Kung mangangarap din lang ay yung matayog na,posible namang makamit basta’t may determinasyon, pagsisikap, disiplina patriotismo at pananalig sa Diyos,” ani pa Suarez sa panayam kasabay ng kanyang pasasalamat sa Poong Maykapal, sa pamilya, mga kaibigan, taga-suporta, kanyang superior sa AFP, sa PSC, POC at kanyang corporate sponsors na Enduro at Rotary Club of Pasay  sa pamumuno ni Joseph Uy na kanyang giya sa pagtupad ng pangarap.

Si Suarez ay nagsimulang nakilala sa Palarong Pambansa sa kanilang rehiyon na humahakot na rin ng medalya hanggang maging multi-medalist sa Southeast Asian Games at marating niya ang ultimate na Rio Olympics.

Katuwang ang international multi-medalist din at national boxing  athlete turned coach na si  Boholst ay tiyak nang abot-kamay na tagumpay.