SUGATAN ang isang security guard matapos pagsasaksakin ng kabarangay makaraan ang mainitang pagtatalo nang akusahan ng suspek ang biktima na may relasyon sa kanyang live-in partner sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Pederick Cabantac, 21, security guard ng Block 4, Damata Letre habang nakilala naman ang suspek bilang si Sandro Salazar, 23 ng Phase 2, Gozon Compound Letre, kapwa ng Brgy. Tonsuya.
Sa report nina PSSg Jeric Tindugan at PCpl Renz Marlon Baniqued kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-10 ng gabi nang komprontahin at akusahan ng suspek ang biktima na nakikipagrelasyon sa kanyang live-in partner sa Kadima Letre, Brgy. Tonsuya.
Nauwi ang dalawa sa mainitang pagtatalo at nang aalis na sana ang biktima sa nasabing lugar ay bigla na lamang siyang inundayan ng suspek ng sunod-sunod na saksak na tinamaan sa kaliwang dibdib.
Matapos ang pananaksak, tumakas ang suspek habang kahit na sugatan ay i-nireport ng biktima ang insidente sa mga tanod ng Barangay Tonsuya bago dinala siya sa pinakamalapit na pagamutan upang magamot ang tinamong sugat.
Humingi naman ng tulong ang mga tanod sa Sub-Station 5 na mabilis na rumesponde sa lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at narekober sa kanya ang isang folding knife na ginamit sa pananaksak.
More Stories
QUIBOLOY NAILIPAT NA SA PASIG CITY JAIL
5 drug suspects, kulong sa higit P400K droga sa Valenzuela
VP SARA, OVP SECURITY CHIEF KINASUHAN