December 25, 2024

PERSON OF INTEREST SA LAPID SLAY UMABOT NA SA 8

UMABOT na sa 8 ang person of interest na tinitingnan ng Department of Justice sa pagpatay sa middleman ng Percy Lapid killing.

Ayon kay Sec. Jesus Crispin Remulla, aniya 3 dito ang nasa pangangalaga na ng NBI,  3 naman ang nasa pag-iingat ng PNP, at  isa ang nasa custodial ng militar at isa ang kukunin pa nila sa Bureau of Correction.

Pahayag pa ng Kalihim, ang mga Persons of Interest na ito ay posibleng may nalalaman  sa pagkamatay ng PDL na si Jun Villamor na itinurong middleman sa pagpaslang kay Lapid

Posible pa daw itong madagdagan depende sa mga impormasyong lalabas sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Bukod sa walong persons of interest, nasa panga-ngalaga na rin ng WPP o Witness Protection Program ang dalawang kapatid ni Villamor na magsisilbing testigo.

Ito daw kasi ang nakakuha ng mga mensahe na galing sa namatay na middleman sa umanoy plano laban kay Lapid.

Dagdag pa na may iba naman daw mapagkukunan ang DOJ na mga magpapatunay sa text message ni Villamor sa kanyang mga kapatid tungkol sa pagpatay kay Lapid.

Ito ay matapos sabihin ng bagong Director ng Bureau of Correction na nawawala ang cellphone ni Villamor noong ito ay namatay sa New Bilibid Prison noong October 18.