PORMAL na nagpirmahan ng Memorandum of Agreement ang pamunuan ng Philippine Sports Commission at Lalawigan ng Ilocos Sur kahapon bilang hudyat na ng paglarga ng lahat ng sistema sa pagdaraos ng 2022 Batang Pinoy National Championship na raratsada sa Ilocos Sur kung saan ang main hub ay idaraos sa ka bisera ng lalawigan na Vigan City.
“I am very honored to have Gov.Jerry Singson here with us tooday.The 2022 Batang Pinoy is actually going to be the first major PS – organized competition under my watch and where the Ealas came from,” wika ni PSc Chairman Jose Emmanuel Eala.
Sumaksi sa makasaysayang kaganapan sina PS Executive Director Guillermo Iroy,Jr. Execitive Assistant na si Atty .Janah Singson,Provincial Administrator Marlon Tacorda,SpecialAssistant to the Governor in Sports Jester Singson at PSC Regional Edwin Llanes.
“It is our honor and pride to host the Batang Pinoy 2022 and the Province of Ilocos is very excited when I announced that finally we will host the Batang Pinoy”, ayon naman kay Gov. Jeyry Singson. Ang Batang Pinoy ay ang isa sa mga grassroots na umeeksena sa iba’t ibang rehiyon ng bansa kada taon tulad din ng Palarong Pambansa at Philippine National Games.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA