January 23, 2025

Drug group member kalaboso sa higit P1 milyon shabu, marijuana at baril sa Navotas

UMABOT sa mahigit P 1 milyon halaga ng shabu, marijuana at baril ang nakumpiska sa isang miyembro ng “Saragoza Drug Group” matapos maaresto sa bisa ng isang search warrant na ipinatupad ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek bilang si Eduardo Monroy alyas “Pipoy”, 32, (Pusher/Listed) ng 65 B. Cruz St., Brgy. Tangos North.

Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang regular confidential informant na naispatan si Monroy sa kanyang bahay na subject ng search warrant.

Kaagad ipinatupad ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, kasama ang Sub-Station 2, TMRU, SWAT Team at Intelligence Section, in collaboration with District Intelligence Division, NDIT RIU-NCR at CID-IG ang search warrant na aprubado ni Executive Judge Pedro T. Dabu ng Regional Trial Coury (RTC) Branch 286, Navotas City at inisyu noong October 21, 2022 na nagresulta sa pagkakaaresto kay Monroy dakong alas-11:50 ng umaga.

Nakuha sa suspek ang 48 small heat sealed transparent plastic sachets at dalawang large size heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigi’t kumulang 150 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P1,020,000.00, siyam small heat sealed transparent plastic sachets at limang large size heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng abot 120 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nasa P14,400 ang halaga, ilang drug paraphernalia, calibre .45 pistol na may anim na bala, cellular phone at P3,000 recovered money.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunations).