
NAMATAY ang dalawang bata matapos tupukin ng apoy ang kanilang bahay sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.
Ayon kay Valenzuela Fire District Director F/Supt. Anamie Legaste, ang 9-anyos na si Jhenea Macey Eucacio at kanyang kapatid na si Jeana Cassy ay napaulat na na-trapped sa loob ng kanilang nasusunog na bahay sa Urrutia St. Brgy. Gen. T. De Leon.
Sa ulat, dakong alas-8 ng umaga nang bigla na lamang sumiklab ang sunog sa dalawang palapag na bahay ni Marilen Manuel, tita ng mga biktima at mabilis na kumalat ang apoy sa katabing bahay ni Lenie Rose Eucacion, ina ng mga biktima.
Ani F/Supt. Legaste, umabot ang sunog sa ikalawang alarma bago tuluyang naapula ng mga tauhan ng pamatay sunog bandang 8:44 ng umaga.
Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng Arson investigators upang matukoy kung anu ang pinagmulan ng sunog habang inaalam pa kung magkaano ang halaga ng ari-arian na natupok sa sunog.
More Stories
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms
Bike Lane Barriers sa EDSA, Tahimik na Inalis — mga Cyclist, Nanganganib!
P102K SHABU NASAMSAM! KELOT KUMAGAT SA BUY-BUST SA VALENZUELA