HALOS P.3 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa walong hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang babae matapos mabitag sa magkakahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.
Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-11:10 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr sa Kapalaran 3 St., Brgy. San Roque na nagresulta sa pagkakaaresto kay Lerick Razon, 29, painter, at Regie Reyes, 26, kapwa residente ng lungsod.
Nakuha sa kanila ang humigi’t kumulang 10.3 ng hinihinalang shabu na may standard drug price P70,040 at P500 marked money.
Nauna rito, nalambat din ng kabilang team ng SDEU sa buy bust operation sa Leongson St., Brgy. San Roque bandang alas-9:35 gabi sina Glaiza Terambulo, 33, (Pusher/Listed), Christopher Beltran alyas “Tupe”, 43, (Pusher/Listed). Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 11 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P74,800 ang halaga at P500 buy bust money.
Sa Brgy. San Roque pa rin, nasakote naman nang isa pang team ng SDEU sa buy bust operation sa Judge A Roldan St., alas-9:45 ng gabi si Jeffrey Jaime alyas “Jepok”, 32, at Anariza Juaton alyas “Ana”, 45. Nasamsam sa mga suspek ang humigi’t kumulang 10.15 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P69,020 ang halaga.
Samantala, aabot sa 10.00 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P68,000.00, kasama ang P300 buy bust money ang narekober kay Isagani Calidro alyas “Gani”, 43, at John Mark Gallego, 18, kapwa residente ng Malabon City matapos matimbog din ng isa pang team ng SDEU sa buy bust operation sa M. Naval St., Brgy. NBBS bandang alas-10:30 ng gabi.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA