December 24, 2024

Capulong bagong commander ng Jungle Fighter Division

CAMP CAPINPIN, RIZAL – Malugod na tinanggap 2nd Infantry (Jungle Fighter” Division sa bago nitong commander sa ginanap na change of command ceremony na pinangunahan ni Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Romeo. S. Brawner Jr.

Itinurnover ni acting 2ID Commander Brig. Gen. Rommel K. Tello ang division’s leadership kay Maj. Gen. Roberto S. Capulong na nagsilbi bilang dating Chief of Staff ng Philippine Army.

Kabilang si Maj. Gen. Capulong sa Philippine Military Academy “Bigkis Lahi” Class of 1990.

Bago ang kanyang pagkakatalaga, si Maj. Gen. Capulong ay nagsilbi bilang Acting Commander ng 6th Infantry “Kampilan” Division.

Naging Brigade Commander din siya ng 602nd Infantry Brigade, Commanding Officer ng 19th Infantry Battalion, at 52nd Infantry Battalion ng 8th Infantry Division.

Kasama rin sa 2ID Change of Command Ceremony ay ang awarding of brigade, battalions at iba pang lower units para sa kanilang accomplishments sa field of operation at intelligence.

Sa kanyang mensahe, nangako si Maj. Gen. Capulong na pananatilihin at ire-reinforce ang mga bagong at palalakasin ang mga nasimulan ng kanyang papalitan sa puwesto at ipakikilala ang mga bagong ideya, konsepto at programa na magbibigay-daan upang tuluyang talunin ang nalalabing kaaway ng estado sa area ng 2ID.

“We will continue working together with our counterparts in the security sector and partner stakeholders to finally win the peace for CALABARZON and MIMARO and ultimately promote inclusive and sustainable socio-economic development in the Southern Tagalog region,” saad ni Maj. Gen. Capulong sa kanyang assumption remarks.