SA kulungan bagsak ng isang lalaki at kainuman nito dahil sa pagpapaputok ng baril at panggugulo sa pampublikong lugar sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek bilang sina Richard Hortizano, 44 ng 59, Kahunari St., Brgy. San Jose at Jeremy Munti, 23, ng 147 R. Domingo St.,Brgy. Tangos North.
Sa inisyal na ulat ni PCpl Dandy Sargento, nakatanggap ang mga tauhan ng Sub-Station 3 ng Navotas police ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa dalawang lalaki na nanggugulo sa pampublikong lugar sa Kahunari 1 St., Brgy. San Jose at armado ng baril.
Kaagad rumesponde sa naturang lugar ang mga pulis at nakita nila dakong alas-5:20 ng hapon ang isang lalaki na nakasuot ng putting V-neck at may hawak na isang kulay silver na baril habang ang kasama nito ay umiinom ng alak at nag-iingay.
Hindi naman pumalag ang mga suspek nang magpakilala sa kanila ang mga pulis saka inaresto sila at nakumpiska kay Hortizano ang isang cal. 45 pistol na kargado ng isang bala sa chamber at isang magazine na may karga na tatlong bala.
Aminado naman si Hortizano na nagpaputok siya ng baril at nagawa niya lamang umano ito dahil sa problema sa kanyang love life matapos siyang iwanan ng kanyang kinakasama na sumama sa ibang lalaki kaya bumili siya ng baril
Nahaharap ang mga suspek sa kasong Alarms and Scandals at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition RA10591).
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY