SWAK sa kulungan ang isang mangingisda matapos mahuling bitbit ang ninakaw na LPG tank dahil sa mga tahol ng aso sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Art. 308 of RPC (Theft) ang suspek na kinilala bilang si Crisdan Hubella, 22 ng Chungkang St., Brgy. Tanza-1.
Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Levi Salazar, dahil sa narinig na ingay mula sa mga asong tumatahol sa kahabaan ng 100 Buenaventura St. Brgy. Tangos North dakong alas-10 ng gabi kaya pumunta sa naturang lugar ang saksing si Zaldy Tamayo, 47, para mag-usisa.
Dito, nakita ng saksi ang suspek na naglalakad sa naturang lugar bitbit ang isang LPG tank at nang lapitan niya ay napansin niyang nakaw ito.
Tinawag niya ang pansin ng may-ari na si Arsenio Pinote, 60 ng A Cruz St. Brgy Tangos North at nang makumpirma nila na ninakaw nga ang naturang LPG tank ay kaagad silang humingi ng tulong sa mga kapitbahay.
Humingi naman ng tulong ang mga kapitbahay sa mga barangay tanod at tauhan ng Sub-Station 2 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at narekober sa kanya ang isang LPG tank na nasa P900 ang halaga.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA