December 24, 2024

CIVIL CASE IBASURA – SQUIDPAY CEO

UMAPELA sa Manila Regional Trial Court ang Chief Executive Operating Officer ng online money payment ng kompanyang Squidpay na ibasura ang civil case na isinampa ng kanyang stockholders. 

Sinabi ni Atty. Ariel Inton, abogado ni SquidPay CEO and founder Marvin dela Cruz, walang basehan para ituloy ng korte ang pagdinig sa naturang kaso dahil ito ang may-ari at majority shareholder ng Squidpay. 

Paliwanag ni Inton, nais i-takeover ng ibang stakeholder ang Squidpay at kunin sa kanyang kliyente ang naturang kompanya at ipa-ban sa lahat ng mga financial institutions sa bansa. 

Tinutulan din umano ng mga stockholders ng Squidpay na ibalik kay Dela Cruz ang 100 million pesos na guarantee loan nito. 

Humihingi na ang nasabing CEO ng Squidpay ng re-organization sa mga stockholders ngunit hanggang ngayon ay walang aksyon ang mga ito. 

Duda si Inton, ayaw talagang magpatawag ng re-organization ang mga stockholders ng Squidpay at hinihintay ang Korte na magdesisyon sa civil case upang tuluyang makuha sa kanyang kliyente ang mga stocks ng kompanya.