NAGPALABAS ang Korte Suprema ng Status Quo Ante Order na nag-uutos sa Commission on Elections na ihinto ang proklamasyon kay Roberto Gerard Nazal Jr. bilang kinatawan sa Kamara ng Magkakasama sa Sakahan, Kaunlaran o Magsasaka partylist.
Ito ay makaraang pinagbigyan ang petisyon ni former Magsasaka Partylist Rep. Argel Joseph Cabatbat na kinuwestyon ang Sept. 14, 2022 proclamation ng National Board of Canvassers o NBOC na pabor kay Nazal.
Ang Status Quo Ante Order ng Korte Suprema na epektibo sa lalong madaling panahon, kung saan inatasan ang lahat ng partido na panatilihin ang dating estado bago iprinoklama ng NBOC si Nazal bilang kinatawan ng Magsasaka Partylist.
Inatasan din ang mga respondent na maghain ng komento hinggil sa petisyon sa loob ng “non-extendible period”.
Nagpaabot naman ng pasalamat ang nabanggit na partylist sa Korte Suprema sa pagkatig sa katotohanan at hustisya.
Ang naturang kautusan ay pirmado ni Marife M. Lumibao Cuevas, ng Clerk of Court.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM