December 24, 2024

KASADO NA ANG 8TH WOMEN’S MARTIAL ARTS FESTIVAL SA RMSC AT PHILSPORTS

MARUBDOB na ang preparasyon ng Philippine Sports Commission para sa ika- walong edisyon ng  Women’s Martial  Arts Festival sa pagbabalik sa pisikal na kumpetisyon  sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at  Philsports Complex sa Pasig City na  sisipa mula Nobyembre 12 hanggang 17 ng kasalukuyang taon.

Ikinalulugod naman ni PSC Commissioner Olivia ‘Bong’ Coo na siyang Project Oversight sa pagsabak muli sa aksiyon ng mga Pinay na martial artists sa bansa para sa naturang kaganapan.

“It is my pride and joy to meet  and see our  women and girls in martial arts showcase their prowess and discover young talents, some of whom may prove to be our next gold medalists,” wika ni Coo.

“Women in sports have been successful since last year’s numerous victories in football ang karateka. This shows the need to continue our support and the programs that had been in place to nurture and further open the opportunity and equality in sports,” ayon pa sa lady commissioner.

Inaasahan ang higit isang libong partisipante na makikipagtunggali sa Women’s Martial Arts Festival sa mga sports na Pencak Silat, Wrestling, Sambo, Taekwondo, Muay  Kickboxing, Karate, Jiujitsu, Kurash at 2 pang demonstration sports kabilang na ang arnis at judo na babakbak sa anim na araw na sportsfest.

Ang deadline ng registration ay hanggang  Oktubre 28.