TULOY ang misyon ng Table Tennis Association for National Development (TATAND) na mapalawak ang grassroots program ng sports sa isasagawang 2022 National Age Group Table Tennis Championship sa Nobyembre 5-6 sa Robinson Novaliches Trade Hall.
Sinabi ni tournament director at Southeast Asian Games veteran Julius Esposo na nakipagtambalan ang TATAND sa Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) at Robinsons Novaliches sa pagsisikap na palakasin ang galing at talent ng mga batang manlalaro para maihanda sa kanilang pagsampa sa Philippine Team.
“TATAND is always been a supporter of table tennis particularly in the grassroots level. From a series of tournaments, TATAND through its Honorary Chairman Mr. Charlie Lim and several Filipino-Chinese sportsmen friends are collaborating with the different Universities in China to send athletes to Educational Tour and training,” pahayag ni Esposo.
Kabilang sa produkto ng TATAND na miyembro na ngayon ng Philippine Team ay sina John Russel Misal, silver medalist sa doubles event sa Vietnam SEA Games ngayong taon; teen star at kasalukuyang No.1 women player ng bansa na si Kheith Rhynne Cruz at nakababatang kapatid na si Khevin, nanalo ng silver medal sa World Junior Championship nitong Agosto.
“Ang aming unang age-group competition noong Hulyo ay napakalaking tagumpay. At tulad ng una, umaasa kaming makadiskubre ng higit pang mga kabataan at mahuhusay na manlalaro ng table tennis na balang araw ay maaaring kumatawan sa bansa sa internasyonal na kompetisyon,” diin ni Esposo.
Nasa 300 entries mula sa iba’t ibang club, organisasyon at paaralan ang inaasahang lalahok sa paligsahan. Lahat ng kalahok ay makakatanggap ng libreng promo jersey mula sa Joola Philippines.
Kumpirmado na ang paglahok ng Atimonan Paddlers, DSUTTC, Atimonan-Tarlac, GEHP, ILO-ILO, UST-Angelicum College, Maasin City TTC, All Star Legend-Army, UMAC, Heimemex/Kapampangan, LSGH TT TEAM, DMMMSU Agoo TTC, Bulacan Spinner , St. Scholastica Academy Bacolod Ciry, Bulakenyong Pingpongero, BPSU/RU, Buskos Bulakan TTC, PATTO, Binangonan TTC, Santuaro of St. Maria Theresa School, Sta. Rosa City, at TATAND.
Bukas pa rin ang pagpaparehistro hanggang Oktubre 30 o kapag naabot na ang maximum na bilang ng mga lahok.
Ipinahayag ni Esposo ang kanyang pasasalamat sa kabutihang-loob ng Robinsons Novaliches, Toto Pol Fish Broker, G. Charlie Lim ng TATAND, Joola Philippines, Green Paddle, JP Bagoong, Carlson Digital Prints, Paper Holic, Hard Race, Dave Enterprises, Table Tennis Lab Singapore at BEST Tank.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?