MAGKAKAROON ng pagkakataong umangat ang antas ng mga pambatong chess players ng Marinduque sa pagdayo ng mga rated players mula Metro Manila at karatig sa pagsulong ng BKCCI Rated Chess tournament sa Boac Convention Center sa lalawigan ng Marinduque.
Ayon kay executive chess player Giovanni Buhain ng nag-organisang Boac Knight Chess Club, Inc. katuwang si Engr. Lauro Bautista, makakaharap ng 6 na pambatong chapter champions ng BKCCI at isa pang selected Boac player ang limang imbitadong rated players outside Marinduque upang pagtunggalian ang karangalan, premyong salapi, magarang tropeo at ang napakahalagang achievement na pag-angat sa ranking ng mga manlalaro ng ahedres partikular ang mga Marinduqueños.
“BKCCI’s Rated Chess Tournament is an event that aims to help Marinduqueño chess players earn Rating points or FIDE Ratings.Makakamit ng ating lokal na chess players ang pagtaas ng rating kapag may nakakalaban silang dayo at garantisadong rated players kung kaya idinusulong natin ang ganitong klase ng bakbakan sa larangan ng chess,” sambit ni Buhain kasabay ng kanyang pahatid-pasalamat sa todo-suporta nina Marinduque Governor Presbiterio Velasco, Jr. at Congressman Lord Allan Velasco gayundin kay Philippine Executive Chess Association( PECA) president Fred Paez na team manager din ng Laguna Heroes Chess team sa Professional Chess Association of the Philipppines(PCAP).
Nakakalendaryo ring sumulong ang Marinduque Governor’s Cup sa naturang ding venue sa November 10-13 na dadaluhan mismo ni Gov. Velasco at Cong. Lord Allan Velasco pati na rin si first Pinay international chess titlist WGM Janelle Mae Frayna.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA