BITIN man sa pondo, tuloy sa pagsasanay at paghahanda ng mga atleta ng Canoe-Kayak and Dragon Boat Federation para sa pagsabak sa international competition kabilang na ang 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia at Asian Games sa China.
“Nagpapasalamat ako kay Cong. Bambol dahil first time itong nangyari na isang coach ang na-appoint na deputy chief de mission. Itong duty na ito ay ibinibigay lang sa NSA heads at government officials,” aniya.
Sa kasalukuyan, balik na rin sa face-to-face ang ensayo ng mga atleta sa kanilang training facility sa Taytay, Rizal at ibinida ni Escollante na maraming batang miyembro na ng national team na nakuha nila sa isinagawang training camp at tournament sa mga lalawigan.
Sa tulong ng mga local na pamahalaan sa Batangas, matagumpay na naisagawa ang torneo ng asosasyon, habang nagpahayag ng kahandaan ang bayan ng Talisay para maging host sa international competition ng PCKDF sa susunod na taon.
Iginiit ni national head coach Len Escollante na sa kabila nang limitadong resources at lugar para pagdausan ng mga local tournament at grassroots program ng asosasyon, hindi tumitigil ang pamunuan upang maipakilala ang sports at mahikayat ang mas maraming kabataan na subukan at pagyamanin ang talent sa paddling sports.
“Unlike any other sports, itong canoe-kayak at dragon boat ay nangangailangan ng tamang lugar para pagsanayan at magsagawa ng tournaments. Marami tayong ilog at katubigan pero hindi lahat ay akma para sa sports. Sa kabila nito, hindi kami tumitigil para pagyamanin ito, lalo na’t source of pride ang larangan na ito,” pahayag ni Escollante sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Behrouz Persian Cuisine sa Quezon City.
“Very challenging sa amin dahil mahirap makakuha ng sponsors at sa kasalukuyan nakabinbin yung mga request namin sa PSC. At least sa SEA Games sa Cambodia yung traditional dragon lang yung isinama sa event ng Cambodia organizers,” sambit ni Escollante sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission , Games and Amusements Board ,Pagcor at Behrouz Persian Cuisine.
Inamin ni Escollante na hindi pa niya binubuo ang line-up sa lalahukang event dahil pinag-aaralan pa niya ang istratehiya.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA