December 24, 2024

NAVOTAS NAGBUKAS NG KARAGDAGANG SCHOLARSHIPS, LEARNING OPPORTUNITIES

ANG Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa ilalim ng pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco, ay nagbukas ng mas maraming scholarship at learning opportunities sa mga Navoteño.


Sa unang 100 araw ng panunungkulan ni Tiangco, namahagi ang Navotas ng 312 tablet computer sa mga mag-aaral ng special education (SPED), at 3-buwang cash allowance na nagkakahalaga ng P1,500 sa mga benepisyaryo ng Persons with Disabilities (PWD) Students Educational Assistance/Scholarship.


Ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ay tumanggap ng 77 bagong SPED educational aid beneficiaries, habang ang NavotaAs Scholarship Program ay nakakuha ng 24 karagdagang academic scholars.


“We strongly believe that our city’s continuous progress is anchored in the quality and inclusive education of our people,” ani Tiangco.


May 6,055 Navoteño graduates naman ang nakatanggap ng kanilang P500, P1,000, at P1,500 cash incentives. Sa bilang na ito, 3,594 ang elementary completers, 1,962 ang nakatapos ng senior high school, at 499 ang nagtapos sa Navotas Polytechnic College (NPC).

Ang libreng edukasyon sa kolehiyo ay ibinigay sa 2,838 na mga mag-aaral ng NPC na nakapag-aral nang walang bayad.

Samantala, 815 preschool children ang nakatapos ng kanilang curriculum sa pamamagitan ng early childhood care and development (ECCD) centers at Kindergarten on Wheels program ng lungsod.

Sinimulan din ng lungsod ang pagtatayo ng 4-storey school buildings, na may kabuuang 64 na silid-aralan, sa pitong public elementary at high schools.

“Education programs were severely affected by the pandemic and the long community quarantine.  To make up for lost time and opportunities, we are working doubly hard to bring to Navoteños the best kind of education there is,” pahayag ng alkade.

Ang Navotas ay nakakuha rin ng 42 lisensyadong guro mula sa NPC sa unang 100 araw ni Tiangco.