November 5, 2024

NIA ADMINISTRATOR BENNY ANTIPORDA IS THE ACTION MAN OF THE HOUR

BAGO pa lamang sa puwesto pero marami na ang bumilib kay National Irrigation Administration (NIA) Administrator Benny Antiporda.

Pinaniniwalaan na siya ang tunay na action man sa NIA at asset ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Ngayong araw ay nanatili si Antiporda sa NIA Central Office Command Center, kasama ang kanyang mga opisyal, upang i-monitor ang kasalukuyang status ng mga pangunahing dam ng NIA sa Luzon dahil sa posibleng pananalasa ng bagyong Maymay sa Northern Luzon.

Matatandaan na ganito rin ang ginawa si Antiporda sa NIA Central Office Command Center nitong kamakailan lang upang personal na i-monitor ang kalagayan ng major dam ng NIA sa Luzon dahil naman sa pananalasa ng bagyong Karding.

Hinarap din niya ang mga lider ng mga magsasaka sa ginanap na “Irrigators Association Farmers’ Congress,” ang unang aktibidad na isinagawa sa Nueva Ecija sa ilalim ng kanyang panunungkulang bilang NIA administrator sa ilalim ng administrasyong Marcos.

“Our direction here is to achieve the food security call of the President and now with this Typhoon Karding, lumala ang problema so we’re trying to catch up to make it sure na iyong 20 percent ay ma-sustain natin and at the same time madagdagan para mahabol natin ang pagbaba ng bilang dahil sa Karding and kung maaari sumobra pa para sa panawagan ng ating Pangulo when it comes to food security,” saad ni Antiporda, ang tinutukoy niyang 20 percent ay ang total percentage ng annual rice production sa bansa na nanggagaling sa Nueva Ecija, ang kinikilalang “Rice Granary of the Philippines.”

Bilang possible measure, sinabi ni Antiporda na target niya ang “triple rice-cropping” seasons a year, kung saan nabanggit nito na naisumite na niya itong proposal kay Department of Agriculture Senior Undersecretary Domingo F. Panganiban upang makabuo ng isang komite na tutulong na matugunan ang isyu nang direkta sa mga magsasaka.