OPTIMISTIKO si Filipino-Japanese Shugen Nakano na mapanatili ang kanyang winning form sa kanyang pagsabak Abu Dhabi Grane Slam judo tournament sa October 21-23 sa United Arab Erimates.
Kagagaling lang ng two time Southeast Asian Games gold medalist sa panalo nitong nakaraang buwan sa Tahiti Oceana Open, Binalibag si Kerin Vasalopi ng French Polynesia sa men’s minus 66 kilogram category
“It was my first medal and title in the Olympic qualifying round, so I’m honestly happy!” wika ng 25 anyos na si Shugen sa online interview kamakalawa.
“I would like to continue this momentum and get results in the upcoming preliminary competition and competition and connect them to Paris!” sambit ng world No. 123.
Si Keisei naman na kanyang kakambal ay nagtapos ng tersera sa minus 73-kilogram category.
Pagkatapos sa Abu Dhabi Grand Slam, Ang siblings ay lalahok sa Perth Oceana Open sa Australia (Oct. 29-30) at Baku Grand Slam sa Aserbaijan (Nov. 4-6)
Ang Nagano brothers ay nakatakdang sumabak sa 2024 Paris Olympics matapos mabigong ma qualify sa Tokyo.
“They need to join more tournaments and earn points to qualify for the Paris Olympics,”
pahayag ni Philippine Judo Federation (PJF) na dating presidente at kasalukuyang secretary general na si David Carter.
Ang Nagano siblings at si Watanabe ay nakatakda ring sumabak sa Tokyo Grand Slam sa Japan (Dec. 3-4).
Si Shugen ay no. 2 seed sa likod ni world no. 1 Ukrainian Bogdan Ladov sa men’s minus 63-kilogram category. Habang si Keisei, na ranked no. 92 sa mundo, ay seeded third sa men’s minus 73 kilogram category.
Si world no. 36 Nils Strump ng Switzerland ay ang top seed sumunod si world no. 61 Sulaiman Hamad ng Saudi Arabia.
Ang Pilipinas ay nagwagi ng 2 gold medals kortesiya nina Shugen at Rena Furukawa (women’s minus 57 kg) noong nakaraang 2022 Vietnam SEA Games.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA