November 3, 2024

PROBLEMA NG MGA GURO DAPAT TUGUNAN NG MARCOS ADMIN – ACT

KASABAY ng pagdiriwang nitong National Teacher’s Day, nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers – Philippines sa Marcos administration na itaas ang suweldo ng mga guro at bawasan ang kanilang workload at oras ng pagtuturo.

Sinabi ng ACT na napapanahon na para tugunan ang mga problema ng mga guro at ng education sector sa pamamagitan ng pagtataas sa suweldo ng Teacher 1 sa Salary Grade 15, at Instructor 1 sa SG 16.

Nanagawan din ang act para sa P30,000 na minimum na suweldo para sa private school teachers, at livable national minimum wage para sa SG 1 employees at non-teaching personnel  sa private schools.

Nasa 50,000 na public school teachers mula sa National Capital Region ang humingi ng tulong sa kongreso kahapon upang maitaas ang kanilang entry-level salaries mula salary grade 11 patungong salary grade 15.

Muli ring inihirit ng mga guro na pagaanin ang kanilang workload at bawasan ang kanilang actual teaching time sa apat na oras kada araw.

Humirit din ang grupo ng karagdagang kompensasyon para sa mga teacher na nagtrabaho ng lagpas sa kanilang regular duties at work schedule.