INIHAHANDOG ng Universal Reality Combat Championship ang kauna-unahang uri ng bakbakan na BARE KNUCKLE FIGHT NIGHT sa bansa.
Saksihan ang walang habas ng aksyon mula sa Bare Knuckle at Mixed Martial Arts fighters ng live sa Oktubre 27 sa XYLO Uptown BGC.
Sa press conference na idinaos kahapon sa Bonifacio Global, nagpalitan ng maaanghang na patutsada at bantang tatalunin ang bawat kalaban partikular ang mga protagonista sa main event na sina URCC Combat fighter Map Soberano mula Biñan City kontra Kenjhons Mr. Mainit URCC fighter mula Pampanga.
“Ang gusto ko ay talunin kita sa unang round pa lang. Sa hiphop dancing lang kita idol pero dito sa URCC fighting, ako ang magiging idol mo,” mabagsik na pahayag ni Soberano na entusiyastiko rin ng ANGKAS riding.
Nagliliyab naman ang sagot ni Mr. Mainit sa kumpiyansang kalaban, “Wala ka naman sa 100% kalidad bilang fighter. Sisilaban kita ng mga atake ko na pagsisisihan mo lang bakit tayo ang nag-match up sa main event.”
Sinabi naman ni URCC founding chief Alvin Aguilar na mahigpit nilang babantayan ang bakbakang unang isasabak sa bansa na knuckle fighting kung saan ay wala itong gloves kundi bandage lang sa kamao na mas matindi ang risk ng injury kaya prayoridad sa event ang safety ng bawat fighters para sa entertainment at hindi bayolenteng fight night.
“Our fighters know very well how to play by the rule…. Bakbakan na!” sambit ni Aguilar, pinuno rin ng Wrestling Association of the Philippines.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE