HINDI na kakapusin sa pagkampay ang anim na batang swimmers ng Swimming League Philippines (SLP) para matutukan ang kanilang kahandaan at pagsasanay para maabot ang misyon na mapabilang sa Philippine swimming Team sa hinaharap.
Sa pangangasiwa nina TYR Philippines Brand Director Ms. Kring Marquez at Brand Coordinator Keith Medina, pormal na lumagda ng kontrata para maging TYR Brand Ambassadors ang swimming protégée na sina Evenezir Polancos, Seb Rafael Santos, Saira Janelle Pabellon, Shinloah Yve San Diego at magkapatid na Albert Sermonia II at Jenn Albreicht Sermonia.
“We’re very happy and proud to be part of this six young swimmers dream to achieve their goal and success not just in swimming but in life. As partner, the TYR will providing them equipment, competition and training gear as well as support in their future international competitions,” pahayag ni Marquez matapos ang opisyal na paglagda ng memorandum of agreement (MOA) sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc, (TOPS) ‘Usapang Sports’ sa Behrouz Persina Cuisine sa Sct. Tobias, Quezon City.
Iginiit ni Marquez na napili ng TYR Brand ang anim hindi lamang sa impresibong performance bagkus sa taglay na character at marka sa eskwelahan.
“As a brand na kilala sa quality and affordability, hinahanap namin sa aming mga ambsassador ang kalidad hindi lang sa swimming but also sa kanilang character, school achievement and good relations with their peers. Sa TYR brand hindi kayo mapapahiya,” sambit ni Marquez.
Mula sa iba’t ibang swimming club na nasa pangangasiwa ng SLP sa pamumuno ni Joan Mojdeh, malaking karangalan at dagdag na kasiglahan sa pag-angat ng mga batang career ang pagkakapili sa anim para maging ambassador ng TYR brand.
Miyembro ng UST varsity team ang 17-anyos na Albert, habang ang nakababatang kapatid na si Jenn ay naghahanda para sumamal sa Batang Pinoy sa Disyembre, gayundin sa qualifyiong series para sa pagpili ng mga miyembro na sasabak sa Southeast Asian Age Group championship sa susunod na taon.
“Nagpapasalamat ako at napili kaming magkapatid na mapasama sa TYR Ambassador. Malaking bagay poi to para madagdagan yung suporta sa amin para mas makasali kami sa maraming tournaments,” sambit ni Albert sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), Pagcor at Behrouz Persian Cuisine.
Mula sa General Santos Swimming Club ang mga kaeskwela sa Grade 9 na sina Polancos at Pabellon na kapwa may maningning na marka sa local junior competition kabilang ang Batang Pinoy kung saan nakalikga ng marka sa butterfly event ang 13-anyos na si Saira.
“I’ll try my very best and to train hard to achieve my dream of breaking more junior national record. Salamat po sa TYR, sa aking coach at mga magulang ko for guidance and support,” pahayag ni Saira.
Kabilang naman ang 14-anyos na si San Diego sa 21 scholar na nasa pangangasiwa ng National Academy in Sports (NAS) sa Clark City, habang produkto ng Philippine Science High Scool ang 13-anyos na si Seb.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA