November 23, 2024

3 drug suspects tiklo sa P244K shabu sa Caloocan, Navotas

NASABAT ng mga awtoridad ang mahigit P.2 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa tatlong drug suspects matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Caloocan at Navotas Cities.

Ayon kay Caloocan police chief Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-5:30 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO ng buy bust operation sa Medium House Rising 4, Brgy. 188, na nagresulta sa pagkakaaresto kay Dariel Nave, 41 ng Brixtonville Subdivision, Brgy. 175.

Nakumpiska sa kanya ang humigi’t kumulang 25 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price Php 170,000.00, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 8 pirasong P1,000 boodle money.

Ani Lacuesta, ang pagkakaaresto sa suspek ay resulta ng isang linggong validation ng mga operatiba ng SDEU makaraan ang natanggap na impormasyon mula sa isang confidential informant hinggil sa illegal na pagbebenta umano niya ng droga.

Sa Navotas, alas-9:30 ng gabi nang mabitag naman ng mga operatiba ng SDEU ng Navotas police sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Dexter Ollaging sa buy bust operation sa A. Santiago St., Brgy. Sipac Almacen si Napoleon Naval alyas “Napo”, 43, at Ronaldo Cruz alyas “Jojo Mata”, 60, kapwa (pusher/listed).

Nasamsam sa mga suspek ang nasa 11 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P74,800 at P500 marked money.

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones ang Caloocan police at Navotas police dahil sa mahusay nilang trabaho kontra illegal drugs.