IPINAWALANG bisa ng 2nd Division ng COMELEC ang pagkapanalo noong Mayo ni Carmen Geraldine Rosal bilang Alkalde ng Legazpi City, Albay.
Ito ay matapos katigan ng dibisyon na pinamumunuan ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo ang petition for disqualification laban sa nanalong alkalde.
Ibinase ng Comelec ang desisyon nito sa Facebook post na nagpapasalamat kay Rosal sa ayuda na ipinagkaloob sa mga tricycle driver at operator sa halagang P2,000 kada benepisaryo.
Partikular na dito ang pamamahagi ng tulong pinansiyal na pasok sa 45 araw na pagbabawal sa paglalabas ng pondo ng gobyerno na itinatakda sa Omnibus Election Code.
Bagama’t kandidato at maybahay ng noo’y nakaupong alkalde si Rosal, nakinabang siya sa proyekto base na rin sa post sa social media at pahayag ng mga testigo.
Tulad sa kaso ng asawa at nanalong gobernador ng Albay, maaari pa namang iapela ni Mayor Carmen Rosal ang desisyon sa COMELEC En Banc. Magugunita na una nang diniskuwalipika rin ng dibisyon ng Comelec ang dating alkalde na si Noel Rosal bilang nanalong Gobernador ng Albay dahil din sa kaparehong paglabag.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA