January 23, 2025

MATAGUMPAY NA HOSTING NG 2023 FIBA WORLD CUP OPTIMISTIKO ANG SBP

OPTIMISTIKO ang Samahang Basketball ng Pilipinas na darating sa bansa ang mga powerhouse na basketball-playing nations na may mga NBA stars upang sumabak sa iho-host ng bansa na 2023 FIBA World Cup mula Agosto 25 hanggang Setyembre 23.

Ang Pilipinas na punong-abala ng naturang dambuhalang kaganapan ay ikalawang pagkakataon pa lang mula noong unang idinaos ito  noong 1978. Kaya kumahog na ang lahat ng konsernado upang ma-segurado ang matagumpay ng hosting ng bakbakan ng mga titans sa Philippine handcourts.

Sabik na rin ang lahat para sa final draw ng 32-team tournament na isasagawa rin sa Manila sa Abril 2023 ayon kay SBP Executive Director at FIBA World Cup Event Director Sonny Barrios.

“The final draw which will be held in Manila and not in the FIBA headquarters in Geneva is very important”, ani Barrios sa nakaraang Sports on Air.

As we all know we are co-hosting the World Cup with Japan and Indonesia. Dito na final draw natin malalaman kung sino ang 16 na bansang lalaro dito sa atin at yung 8 countries na lalaro sa Indonesia at 8 din sa Japan,” ani pa Barrios.

Sa labing-anim na bansang lalaro sa Pilipinas, walo ay gaganapin sa SM Mall of Asia Arena at walo na rin sa Smart Araneta Coliseum.

Pagkatapos ay ang top 2 sa Indonesia,  sa Japan, MoA at  sa Araneta ay magbabakbakan sa quarterfinals at semifinal games. Ngayon pa lang ay nanawagan na ang SBP sa lahat ng Pilipino na magkaisa na para sa kaseguruhang magtagumpay ang hosting ng biggest basketball show sa mundo.